Skip to main content

Share Ko Lang #1

Matutulog na sana ako pero ang daming tanong na tumatakbo sa isip ko kaya ayaw akong patulugin ng utak ko. Binabagabag ako ng lungkot at napakaraming tanong na kahit ako di ko rin masagot. Long distance kami ng parents ko at sobrang lungkot pala talaga ng ganito promise swear to God. Dati gustong-gusto ko magtransfer kasi ayaw kong napapagalitan lagi, lumaki akong hindi komportable kapag andyan sa tabi ko sila Nanay at Tatay pero hindi ibig sabihin nun na hindi kami nag-uusap, nag-uusap naman pero sobrang awkward talaga. Pero akala ko lang pala na masaya yung mapalayo sa mga taong nakasanayan mo, hahanap-hanapin mo rin pala yung presence ng magulang mo kahit may mga oras na nagtatanim ka ng galit sa kanila, kahit na galit ako sa Tatay ko kasi napaka-makasarili at lasinggero niya, darating din pala yung oras na ganitong mamimiss ko siya. Ngayon ko lang na-feel yung hirap, habang tinatype ko 'to naiiyak ako kasi gusto kong umuwi kahit ilang araw lang sa Agutaya, pero sa ngayon magtitiis na muna kasi ayoko ring mapabayaan ang pag-aaral dahil sa lungkot na 'to. Haysh. Hindi kami tulad ng ibang pamilya na close sa isa't-isa, kumbaga ang pamilya namin ay parang eksena sa school kapag first day tapos may transferee, kinakausap niyo lang kasi kailangan, tapos minsan wala rin talagang imikan. May oras nga na pinagalitan ako ni Nanay, sabi niya, "Bakit ba pagdating sa mga kaibigan ko gustong-gusto kong sumama, pero kapag sa kanila lagi akong may rason at umaayaw.", gusto ko naman sagutin pero pano mo sasabihin diba? Ang point ko lang sa blog na 'to is about the relationship of a family, perspective ko lang 'to bilang anak ha? Pero kung pareho man tayo, masasabi ko lang na, hindi lahat ng oras kasama natin mga magulang natin at hindi natin kayang magalit ng matagal sa kanila. Yung kahit pa galit na galit ka sa Nanay o Tatay mo, darating pa rin sa point na magkakaroon ng puwang sa puso kasi naaalala mo sila. Hindi mo masasabing wala kang pakialam, kasi sinasabi mo lang naman yun, pero iba pa rin yung nararamdaman ng puso natin. Magulang natin sila, kaya whatever happens, magalit man tayo sa kanila, di mo yun mapapanindigan. Iloveyou Nay and Tay. Di ko man masabi sa inyo ng personal, dahil nahihiya ako sa dami ng kasalanan at kahihiyang nabigay ko sa inyo. 😢

Comments

Popular posts from this blog

A SHORT INFO ABOUT ME AND MY BLOG

Hi, I am Clarisse Anne N. Abique, you can call me "Clarita" or "Clara" from Palawan National School, a Grade 11 STEM Student. I came from Agutaya, Palawan and as of now I am staying here at Puerto Princesa City to continue my study. I am kind, good friend but I am careless sometimes. I loved to watch Korean Drama's and Anime, but OPM is my favorite when it comes to music. I have many philosophy in life. I always believe that in every failures and rejections there is always a much better things to come, so whatever happens, do not give up and Trust God's plan for you. :) I create this blog to inspire and motivate people to live this life in spite of challenges, the real happiness is not always given by other people, it is our choice to be happy. Explore the beauty of your environment and feel that you are lucky to be here. I want to share myself to you, and it is my pleasure if you will also share and to be with me in my blogs. I hope that bacause of this bl...

Realization of Mine

Lesson for today:  You only live once. Gawin mo mga bagay na gusto mong gawin, kung may opportunity na kumakatok, then go for it. Sa mundong ito ay hindi uso ang hiya pagdating sa mga bagay na alam mo namang hindi ikakasakit ng iba, hangga't makapagpapasaya ka ng tao, kung may maganda namang maidudulot sayo at sa ibang tao then wag mong limitahan ang sarili mo. Hindi natin hawak ang ating buhay para ayawan ang mga bagay na ibinibigay sa atin ng Diyos para maranasan, para subukin tayo, kaya anuman ang mga darating sa atin na pagsubok o oportunidad, wag kang magdalawang-isip, malay mo yun na yung moment sa buhay mo na pagsisisihan mo kasi hindi mo man lang sinubukan bago mo sinabing hindi mo kaya. Diba? So learn to appreciate kung ano yung mga bagay na di mo naman ginugusto pero yun yung binibigay ni God sayo kasi yun yung deserve mo. 😊 Wag tayong mainggit sa iba kasi may pagkakaiba-iba tayo at alam kong alam mo yan. Goodnight. ❤