Skip to main content

Posts

Showing posts from September, 2019

Share Ko Lang #1

Matutulog na sana ako pero ang daming tanong na tumatakbo sa isip ko kaya ayaw akong patulugin ng utak ko. Binabagabag ako ng lungkot at napakaraming tanong na kahit ako di ko rin masagot. Long distance kami ng parents ko at sobrang lungkot pala talaga ng ganito promise swear to God. Dati gustong-gusto ko magtransfer kasi ayaw kong napapagalitan lagi, lumaki akong hindi komportable kapag andyan sa tabi ko sila Nanay at Tatay pero hindi ibig sabihin nun na hindi kami nag-uusap, nag-uusap naman pero sobrang awkward talaga. Pero akala ko lang pala na masaya yung mapalayo sa mga taong nakasanayan mo, hahanap-hanapin mo rin pala yung presence ng magulang mo kahit may mga oras na nagtatanim ka ng galit sa kanila, kahit na galit ako sa Tatay ko kasi napaka-makasarili at lasinggero niya, darating din pala yung oras na ganitong mamimiss ko siya. Ngayon ko lang na-feel yung hirap, habang tinatype ko 'to naiiyak ako kasi gusto kong umuwi kahit ilang araw lang sa Agutaya, pero sa ngayon magtit...

Realization of Mine

Lesson for today:  You only live once. Gawin mo mga bagay na gusto mong gawin, kung may opportunity na kumakatok, then go for it. Sa mundong ito ay hindi uso ang hiya pagdating sa mga bagay na alam mo namang hindi ikakasakit ng iba, hangga't makapagpapasaya ka ng tao, kung may maganda namang maidudulot sayo at sa ibang tao then wag mong limitahan ang sarili mo. Hindi natin hawak ang ating buhay para ayawan ang mga bagay na ibinibigay sa atin ng Diyos para maranasan, para subukin tayo, kaya anuman ang mga darating sa atin na pagsubok o oportunidad, wag kang magdalawang-isip, malay mo yun na yung moment sa buhay mo na pagsisisihan mo kasi hindi mo man lang sinubukan bago mo sinabing hindi mo kaya. Diba? So learn to appreciate kung ano yung mga bagay na di mo naman ginugusto pero yun yung binibigay ni God sayo kasi yun yung deserve mo. 😊 Wag tayong mainggit sa iba kasi may pagkakaiba-iba tayo at alam kong alam mo yan. Goodnight. ❤