Matutulog na sana ako pero ang daming tanong na tumatakbo sa isip ko kaya ayaw akong patulugin ng utak ko. Binabagabag ako ng lungkot at napakaraming tanong na kahit ako di ko rin masagot. Long distance kami ng parents ko at sobrang lungkot pala talaga ng ganito promise swear to God. Dati gustong-gusto ko magtransfer kasi ayaw kong napapagalitan lagi, lumaki akong hindi komportable kapag andyan sa tabi ko sila Nanay at Tatay pero hindi ibig sabihin nun na hindi kami nag-uusap, nag-uusap naman pero sobrang awkward talaga. Pero akala ko lang pala na masaya yung mapalayo sa mga taong nakasanayan mo, hahanap-hanapin mo rin pala yung presence ng magulang mo kahit may mga oras na nagtatanim ka ng galit sa kanila, kahit na galit ako sa Tatay ko kasi napaka-makasarili at lasinggero niya, darating din pala yung oras na ganitong mamimiss ko siya. Ngayon ko lang na-feel yung hirap, habang tinatype ko 'to naiiyak ako kasi gusto kong umuwi kahit ilang araw lang sa Agutaya, pero sa ngayon magtit...